BULACAN- TUMANGGAP ng anniversary package ang mga sundalo ng First Scout Ranger Regiment kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Army.
Ginanap ang seremonya sa Kampo Tecson sa San Miguel, Bulacan.
Kabilang sa mga bagong kagamitan ng mga Scout Ranger, ang 3,101 Philippine Army Pattern Battle Dress Uniform, 3,023 Athletic Uniform, 253 Lensanic Compass, 153 Combat Boots, 3,030 Personal Identification Tag, 23 Baja150 Motorcycle at mga makabagong communication equipment tulad ng handheld radio at Food Packs.
Ang nasabing mga bagong gamit ay personal na ipinagkaloob ni Philippine Army Commanding General Major Gen. Romeo Brawner Jr., ang mga bagong gamit.
Ani Brawner, bahagi ito ng patuloy na modernisasyon at pangangalaga sa mga kawal upang mas paigtingin ang kahandaang pisikal, mental at moral na aspeto ng bawat sundalo sa bansa.
THONY ARCENAL