SA pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo, mayroong apat na dagdag benefit package ang pangako ngayong taon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ang una ay Outpatient Benefit Health Package for Mental Health, Outpatient for severe acute malnutrition for children 5 years old; Rationalization of COVID-19 benefit packages at Strengthening of PhilHealth Konsulta Package.
Habang ang mga kasalukuyang Z-Benefit package for Kidney Transplantation ay patuloy na iiral, ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr.
Tiniyak naman ni Ledesma magtatagumpay ang kanilang hangarin na maisakatuparan ang mga bagong benefit package at kasalukuyan health benefit package kahit pa sinusupinde ang sana’y 4.5% increase sa premiums.
Ayon kay Executive Vice President and Chief Operating Officer Eli Dino Santos, na batay sa kautusan ni Ledesma na humanap ng alternatibo para hindi maapektuhan ng premium increase suspension ang kanilang operasyon.
Kumpiyansa si Ledesma na bagaman hindi muna maipatutupad ang increase ng premiums ay matatag ang kanilang financial status.
“Our finances is strong and robust,” pagdiriin ni Ledesma.
Sa katunayan, mayroon silang P46 bilyon net income; P394 bilyon total assets; P355 bilyon investment portfolio at P224 bilyon reserved fund.
Samantala, tiniyak din ni Dr. Israel Francis Pargas, Sr. Vice President for Health Finances Policy Sector na commitment nila ngayong taon na maipatupad ang Outpatient Benefit Package for Mental Health na isang ispesyal na pagtutok sa mental health cases.
EUNICE CELARIO