MAY tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula hgayomg Martes.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may oil price rollback.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis, ang presyo ng gasolina ay bababa ng P0.85 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay may bawas na P1.20 kada litro.
Nasa P1.30 kada litro naman ang rolbak sa presyo ng kerosene.
Magpapatupad ang Caltex ng price adjustment sa alas-12:01 ng umaga, habang ang Pilipinas Shell, Total Philippines, PTT Philippines, Petro Gazz, at Seaoil ay may bawas-presyo simula alas-6 ng umaga.
Samantala, epektibo naman ang rolbak ng Cleanfuel sa alas-8:01 ng umaga.