PANGASINAN- NAGING tampok sa ika-76 anniversary ng Philippine Air Force ang kanilang capability demonstration na sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kahapon sa Tarlac.
Bago pinangunahan ng commander in chief ang anniversary rites ng PAF sa Clark ay sinaksihan muna ni Pangulong Marcos ang air force capability demonstration sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Tarlac kung saan ipinamalas ng Hukbong Panghimpapawid ang kakayahan ng kanilang air assets.
Kasama ng Pangulo sa panonood ng Capability demonstration ng PAF sina National Security Adviser Eduardo Ano, AFP Chief of Staff Andres Centino, Airforce Chief LtGen. Stephen Pareno, Army Chief LtGen. Romeo Brawner.
Ipinakita sa demonstrasyon ang kapabilidad ng ilang air assets ng PAF katulad ng black hawk helicopter na ginagamit sa external defense mission at ilan pang mga operasyon gaya ng humanitarian assistance at disaster response.
Nagpamalas din ng live fire demonstration Operations at high explosives at AGM -65 missile system capabilities.
Napag-alaman na ang ginawang pagsaksi ng Pangulo sa capability demonstration sa Colonel Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac ng PAF ay ang kauna-unahang pagbisita ng isang Commander in Chief sa nasabing airbase.
Kaugnay sa nasabing pagdiriwang ay inihayag nito ang kahalagahan ng Philippine Air Force (PAF) maritime patrols sa gitna ng mga nagaganap na geopolitical tensions sa Asia-Pacific region.
Sa kanyang mensahe sa PAF’s 76th founding anniversary sa Clark Air Base sa Pampanga ay inilarawan ni Marcos PAF’s maritime patrols na; “essential in upholding our territorial integrity and safeguarding Philippine maritime zones.”
“The days ahead will not be easy and will demand every ounce of our strength and our resilience. The winds of change signal geopolitical challenges around our region and other parts of the world that affect us,” pahayag pa ng commander in chief sa mga tauhan ng hukbo.
At muling inulit ng Pangulo ang suporta ng kanyang administrasyon sa Armed Forces of the Philippines, na makikita sa kanilang mga acquisitions sa ilalim ng AFP modernization program.
Kaugnay nito, pinasalamatan ng Pangulo ang mga tauhan ng PAF sa paglalatag ng mga kinakailangan groundwork para mapalakas ang defense capabilities ng Pilipinas.
“As members of the Philippine Air Force, you must always uphold these values as the custodians of our skies, entrusted with the task of upholding our national interests, protecting our people and defending our territory,” anang Pangulong Marcos. VERLIN R RUIZ