(Sa ika-8 sunod na buwan noong Nobyembre) FACTORY OUTPUT LUMAGO

TUMAAS ang factory output sa ika-8 sunod na buwan noong Nobyembre sa pagluluwag ng restrictions sa paggalaw, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa preliminary results ng latest Monthly Integrated Survey of Selected Industries ng ahensiya ay lumitaw na ang factory output, na sinusukat ng Volume of Production Index (VoPI), ay lumago ng 25.3% year on year noong Nobyembre.

Bahagya itong mas mataas kumpara sa revised 25.2% growth noong Oktubre, at kabaligtaran ng 21.8% pagbaba noong November 2020.

“November’s print was the eighth consecutive month that the VoPI stayed in the positive territory or since April,” ayon sa PSA.

Year to date, ang industrial production growth ay may average na 55.5%.

Sa datos ng PSA, nagkaroon ng paglago sa VoPI sa 12 sa 22 industry divisions noong Nobyembre, sa pangunguna ng paggawa ng coke at refined petroleum products (84.8%) at paggawa ng wood, bamboo, cane, rattan articles at related products (83.9%).