SA IKA-9 NA ANIBERSARYO NG PAGPANAW NI TITA CORY

atty rojas

NOONG Miyerkoles, unang araw ng Agosto, ay ginunita ng buong bayan ang ika-9 na a­nibersaryo ng kamatayan ng dating pangulo na si Cory Aquino. Nasa puso pa rin ng lahat ang alay ng kanyang buhay at pagsisikap, ang ating demokrasya.

Namatay si Tita Cory sa sakit na colon cancer noong taong 2009. Ibinurol siya sa La Salle Greenhills sa Ortigas Avenue at inilibing sa tabi ng kanyang asawa, ang dating senador na si Ninoy Aquino.

Ngayon, makalipas ang siyam na taon, pinangunahan ng da­ting pangulong Noynoy Aquino ang komemorasyon o pag-alaala sa kamatayan ng ina sa Manila Memorial Park sa Parañaque. Nakasuot ng dilaw ang pamilya at ilang bisita na nagdasal ng rosaryo sa harap ng libingan ni Cory.

Matatandaang na­ging relihiyosa si Tita Cory noong ito’y nabubuhay pa. Sinasabing si Mother Teresa ng Calcutta, ang madreng napagkalooban ng Nobel Peace Prize, ay nagbigay ng kanyang rosaryo kay Tita Cory. Sa kanyang himlayan, tangan din ni Tita Cory ang isang rosaryong nagmula kay Fr. Sonny Ramirez, OP.

Panatilihin nating buhay sa alaala ang mga gawain at adhikain ng dating pangulo. Higit sa lahat, ingatan natin ang tinatamasang demokrasya sa kasalukuyan. Marami ang naging bayani at nagbuwis ng buhay at kalayaan upang makamit lamang natin ito.

oOo

Binabati ko ang mga nagsipagwagi sa PCSO Special Maiden Race (Sta. Ana) noong July 21: Storm Bell (kasama ang hineteng si JB Hernandez), Caloocan Girl (RM Garcia), Interstate (RG Fernandez), Golden Buzzer (JT Zarate), at Snap Dance (AP Asuncion). Mainit na pagbati sa mga nanalo sa July 21 PCSO Special Maiden Race sa Philippine Racing Club, Inc. sa Naic, Cavite na sina: Storm Bell (kasama ang hineteng si JB Hernandez), Caloocan Girl (RM Garcia), at Interstate (RG Fernandez). Congratulations sa lahat!

2 thoughts on “SA IKA-9 NA ANIBERSARYO NG PAGPANAW NI TITA CORY”

Comments are closed.