(Sa ika-9 na sunod na buwan ngayong Disyembre) SINGIL SA KORYENTE MAY DAGDAG

MERALCO 2

MAY pagtaas sa singil sa koryente ngayong Disyembre, ang ika-9 na sunod na buwan ng rate increases.

Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), ang overall rate para sa isang typical household ay tataas ng P0.3143 per kilowatt-hour (kWh) sa P9.7773 per kWh ngayong buwan mula sa P9.4630 per kWh noong Nobyembre sa likod ng pagtaas ng  generation charges.

Ang pagtaas ay katumbas ng P62.86 dagdag-singil sa total bill ng isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh, P94.26 sa 300 kWh, at P157.15 para sa kumokonsumo ng 500 kWh.

Ayon sa Meralco, ang generation charge para sa Disyembre ay tumaas ng P0.1997 per kWh sa P5.5343 per kWh mula P5.3346 per kWh.

“This month’s charge already includes first of the four monthly installments covering the deferred costs from the November bill,” pahayag ng Meralco.

“To cushion the impact of the previous month’s Malampaya facility maintenance shutdown, it can be recalled that the Energy Regulatory Commission (ERC) directed Meralco to defer the collection of portions of their suppliers’ generation costs and to bill these on a staggered basis beginning this December until March 2022,” dagdag ng power distributor.

Sakop ng franchise area ng Meralco ang Metro Manila, mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, at Cavite, gayundin ang ilang bahagi ng Laguna, Quezon, Batangas, at Pampanga.