MAY panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.
Ito na ang ika-9 na sunod na linggo na may oil price increase.
Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P0.80 hanggang P0.90.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahan namang tataas ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro, habang ang kerosene ay mula P0.70 hanggang P0.80 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Peb. 22, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.80, diesel ng P0.65, at kerosene ng P0.45.