LUMOBO ang remittances mula sa overseas Filipinos (OFs) sa ikalawang sunod na buwan noong Agosto sa likod ng inflows mula sa land-based workers, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, ang personal remittances o ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels ay tumaas ng 4.2% sa $2.875 billion noong Agosto mula sa $2.760 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ito ang ikalawang sunod na buwan na tumaas ang remittances magmula nang maitala ang $2.545 billion noong Hunyo at lumobo ang year-to-date personal remittances ng 3.6% sa $21.995 billion.
“The steady growth in personal remittances during the first eight months of 2019 drew support from the remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more,” pahayag ng BSP.
Ang inflows mula sa land-based workers na may short-term contracts at sa sea-based workers ay nakapag-ambag din sa pagtaas na may $4.7 billion mula sa $4.4 billion noong nakaraang taon.
Lumobo naman ang cash remittances o ang money transfers na ipinadaan sa mga bangko ng 4.6% sa $2.589 billion upang umangat ang year-to-date inflows ng 3.9% sa $19.808 billion.
Ayon sa BSP, ang United States ang may pinakamataas na share sa overall remittances mula Enero hanggang Agosto 2019 sa 37%.
Sumusunod ang Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Canada, Hong Kong, Germany, at Kuwait.
“The combined remittances from these countries accounted for 78.4% of total cash remittances in January to August 2019,” dagdag ng central bank.
Comments are closed.