(Sa ikalawang sunod na buwan) PH FACTORY OUTPUT LUMAGO

PSA-2

TUMAAS ang factory output ng bansa sa ikalawang sunod na buwan noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito’y dahil karamihan sa mga negosyo ay nag-operate ng mas mataas sa 70% capacity sa naturang buwan.

Sa preliminary results ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ay lumitaw na ang factory output o Volume of Production Index (VoPI) ay lumago ng 265.0% noong Mayo.

Sinundan nito ang 155.6% VoPI growth noong Abril, at ito’y dahil na rin sa base effects sa May 2020 fig-ure sa  -73.2%.

Ang Metro Manila at iba pang ‘high-risk’ areas ay isinailallm sa pinakamahigpit na quarantine protocols sa first half ng May 2020, na sinundan ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang noong katapusan ng buwan.

Nitong Mayo, ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay isinailallm sa general community quarantine (GCQ) na may heightened restrictions.

Sa datos ng PSA, nasa 20.8% ng mga negosyo ang nag-ooperate sa full capacity; 19.9% sa 80% hanggang 89% capacity; at 14.0% ng mga negosyo sa 70% hanggang 79% capacity.

Sa parehong datos ay lumitaw na 21.8% ng mga negosyo ay nag-operated sa below half capacity; 13.3% sa 50%-59% capacity; at 10.2% ng mga kompanya sa 60%-69% capacity.

Ayon sa PSA, ang pagtaas sa VoPI ay naobserbahan sa 18 mula sa 22 industry divisions kung saan ang pinakamabilis na paglago ay naitala sa paggawa ng coke at refined petroleum products.

Pagdating sa value of production index (VaPI), anc manufacturing ay lumago ng 249.5% noong Mayo, la-ban sa 145.5% noong Abril at sa -74.4% noong Mayo 2020.

Samantala, ang volume net sales index (VoNSI) para sa buwan ay tumaas ng 62.5, habang ang value net sale index (VaNSI) ay umangat ng 55.6%.

5 thoughts on “(Sa ikalawang sunod na buwan) PH FACTORY OUTPUT LUMAGO”

  1. 199393 495408One can undertake all sorts of advised excursions with assorted limousine functions. Various offer great courses and numerous can take clients for just about any ride your bike more than the investment banking location, or even for a vacation to new york. ??????? 117992

  2. 531395 128834When I initially commented I clicked the “Notify me when new comments are added” checkbox and now each time a comment is added I get several e-mails with the same comment. Is there any way you can remove me from that service? Cheers! 234461

Comments are closed.