(Sa ikalawang sunod na linggo) PETROLYO MAY DAGDAG PRESYO

SA IKALAWANG sunod na linggo ay magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Simulang ngayong Martes, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ay may dagdag na P0.55 kada litro sa presyo ng gasolina at diesel, at P0.70 kada litro sa kerosene.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong price increase maliban sa kerosene na hindi nila ipinagbibili.

Epektibo ang taas-presyo sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-4:01 ng hapon.

Noong nakaraang Martes, Disyembre 14, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P1.60 kada litro; diesel ng P1.35 kada litro, at kerosene ng P1.20 kada litro.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay may total net increase na P17.30 kada litro, P14.40 kada litro sa diesel, at  P11.69 kada litro sa kerosene.