SA IKAPITONG LINGGO: PRESYO NG PETROLYO SISIRIT

PETROLYO

MAITATALA bukas ng hatinggabi ang ikapitong linggong sunod na pagtataas ng presyo ng gasolina at diesel.

Ayon sa source ng PILIPINO Mirror, nasa 20 hanggang 40 centavos ang itataas sa kada litro ng gasolina habang 10 hanggang 20 centavos naman sa kada litro ng diesel at kerosene o gaas.

Ang sanhi ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa tumaas din ang presyo ng ethanol na isang sangkap ng gasolina.

Ang price hike ay dikta pa rin ng pandaigdigang merkado.

Sa record, nasa P12 na ang nadagdag sa pres­yo ng gasolina at diesel simula pa noong ikalawalang linggo ng Agosto na nagsunod-sunod ang pagmamahal ng nasabing mga produkto.

Tuwing Lunes ng ha­tinggabi at Martes ng alas-6 ng umaga nagaganap ang pagpapalit ng presyo ng produktong petrolyo na nakasanayan na sa oil industry.

Comments are closed.