(Sa ikatlong araw ng Alert Level 3) 82 LUGAR SA NCR NASA GRANULAR LOCKDOWN PA RIN

BAGAMAN nasa alert level 3 o nasa general community quarantine na ang Metro Manila, mayroon pa ring 82 lugar ang nasa ilalim ng granular lockdown.

Gayunman, ipinagpalagay na magandang indikasyon ito dahil mas mababa ito sa mga nakalipas na araw kasunod ng pagkabawas ng kaso ng COVID-19.

Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), lumalabas na tatlong lugar na sakop ng Northen Police District, 13 sa ilalim ng Eastern Police District, 25 sa ilalim ng Manila Police District, 11 sa ilalim ng Southern Police District, at 30 sa ilalim naman ng Quezon Police District ang kasalukuyang naka-granular lockdown.

Sa 82 lugar, 38 ay pawang mga bahay, 18 ang residential buildings, 13 ang subdivisions o villages, pito ang mga kalye, at anim naman ang residential floors.

Sa kabuuan, 242 PNP personnel at 234 force multipliers ang naka-deploy sa naturang mga lockdown areas.

130 thoughts on “(Sa ikatlong araw ng Alert Level 3) 82 LUGAR SA NCR NASA GRANULAR LOCKDOWN PA RIN”

Comments are closed.