MULING bumagsak ang halaga ng piso sa pinakamahina nitong antas kontra US dollar sa P59 nitong Huwebes.
Ang pagsasara nitong Huwebes ang ikatlong pagkakataon na sumadsad ang piso sa P59. Noong Oktubre 3 at Oktubre 10, ang local currency ay lumagapak din sa P59 bawat dolyar.
Ayon kay First Metro Securities Equity Research Deputy Head for Retail Royce Aguilar, ang piso ay maaaring humina pa, depende sa aksiyon ng US Federal Reserve sa inflation sa Amerika.
Aniya, posibleng pumalo sa P60:1 ang palitan ng piso kontra dolyar kapag nanatiling mataas ang inflation sa US.
Ang mas mataas na inflation ay nangangalugan na patuloy na agresibong itataas ng US Federal Reserve ang interest rates, na lalong magpapalakas sa dolyar kontra ibang currencies.
“P60 is possible definitely. We have to see again because it’s data-dependent. The Fed is data-dependent. The BSP is data-dependent. It will depend on (US) inflation data,” ani Aguilar.