LUMAWAK ang bank lending ng 3.5% noong Oktubre sa gitna ng pagluluwag sa quarantine restrictions, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na tumaas ang pagpapautang ng mga bangko.
Sa datos ng BSP na inilabas noong Lunes, ang outstanding loans sa residents at non-residents ay nasa P9.26 trillion sa naturang buwan, na tumaas mula sa P8.95 trillion noong Oktubre ng nakaraang taon.
“The continued pickup in universal and commercial bank lending reflects the expansion in business activity amid easing quarantine restrictions, declining COVID-19 cases, and increasing vaccinations,” ayon sa BSP.
Ang outstanding loans ng residents ay nasa P9.01 trillion noong Oktubre, na tumaas ng 3.7% kumpara noong nakaraang taon. Ito, ayon sa central bank, ay dahil sa pagtaas sa loans para sa production activities.
Ang pagpapautang para sa production activities ay tumaas ng 4.9%, kung saan partikular na tinukoy ng BSP ang paglago sa mga sektor ng real estate, information and communication, financial and insurance activities, at manufacturing.
Gayunman, ilang industriya ang nagtala ng pagbaba sa outstanding loans tulad ng agriculture, forestry at fishing.
Samantala, bumaba ang consumer loans ng 7.2% noong Oktubre mula sa 7.8% noong Setyembre.
“This is slight year-on-year increase in credit card loans and the slower contraction in salary-based general purpose loans,” sabi pa ng BSP.
Ang non-resident outstanding loans ay bahagya ring bumaba noong Oktubre sa 3.7%, mula sa 12% sa naunang buwan.
“Looking ahead, the BSP will continue to prioritize providing the appropriate monetary policy support for the overall economy, in line with the BSP’s price and financial stability mandates,” dagdag ng central bank.