(Sa ilalim ng Bayanihan 3) P2K AYUDA SA BAWAT FILIPINO

Stella Quimbo

ANUMAN ang edad o katayuan sa buhay, ang bawat Filipino ay tatanggap ng P2,000 cash aid sa ilalim ng isinusulong na ikatlong COVID-19 stimulus package upang matulungan silang makayanan ang epekto ng pandemya.

Sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa The Source ng CNN Philippines na ang panukalang Bayanihan to Arise as One Act o ang Bayanihan 3 ay maglalaan ng 216 billion para sa cash grant, mula sa P406 billion na kabuuang budget ng panukala.

“The pandemic affected everyone regardless of age, regardless of income status. We all got affected,” ani Quimbo.

“Katulad ng sinasabi ng marami, kung hindi ka man mamatay sa COVID, baka naman gutom ang ikamatay mo,” anang lady solon.

Aniya, saklaw ng Bayanihan 3, na lumusot na sa House ways and means committee, ang ayuda para sa 108 milyong populasyon ng bansa, na ipamamahagi sa dalawang tranches ng  local government units.

“This is largely an ayuda bill. P405.6 billion will be largely for ayuda…P1,000 for Filipinos for two tranches. 108 million times P1,000 is P108 billion for the first tranche. And another P108 billion for second tranche,” dagdag pa niya.

Inirekomenda rin ni Quimbo na gamitin sa mga barangay ang pinakabagong census ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagbibigay ng ayuda sa mga Filipino sa ilalim ng Bayanihan 3.

Ayon kay Quimbo, maaaring gamitin na basehan para sa pamamahagi ng ayuda ng mga barangay ang pinakahuling survey o census ng PSA na inaasahang lalabas ngayong buwan.

Isa pa, aniya, sa maaaring gawing batayan ay ang Community Based Monitoring System (CBMS) na ginagamit din sa paglista ng mga pangalan ng mga residente sa barangay.

Paliwanag niya, sa ganitong paraan ay maba-validate nang husto at hindi magdodoble ang ipamimigay na ayuda sakaling maisabatas na ang Bayanihan 3.

Mahalaga aniyang gawin itong basehan dahil may ilang indibidwal o residente na nanatili muna sa ibang lugar dahil inabutan ng lockdown o hindi naman kaya ay nananatili sa isang lokalidad sa isang transitory basis.  CNN PHILIPPINES, CONDE BATAC

4 thoughts on “(Sa ilalim ng Bayanihan 3) P2K AYUDA SA BAWAT FILIPINO”

  1. 754451 280602Generally I do not read article on blogs, nevertheless I wish to say that this write-up really forced me to have a look at and do so! Your writing taste has been amazed me. Thanks, very excellent post. 501117

Comments are closed.