(Sa ilalim ng CEPA) PH AEROSPACE EXPORTS SA UAE LALAGO

ANG aerospace exports ay isa sa mga sektor sa Pilipinas na inaasahang lalago sa ilalim ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), isang free trade deal sa pagitan ng Manila at ng Abu Dhabi.

Sa isang press briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Allan Gepty na ang CEPA ay magbibigay benepisyo sa high-value export products ng bansa sa UAE, lalo na ang mga bahagi ng  helicopters at  aircrafts, na may pinakamataas na annual export growth noong 2022.

“Maybe one important consideration is the fact [that] our exports to UAE, many are high-value products like parts of helicopters or aircrafts. Noting that UAE basically owned one of the largest airlines in the world, we hope we can also improve our niche in the aerospace industry,” sabi ni Gepty.

Ayon sa DTI, ang exports ng iba pang bahagi ng  eroplano o helicopters sa UAE ay nagtala ng pinakamataas na paglago noong 2022 sa 122.97 percent.

Idinagdag ni Gepty na bukod sa aerospace exports, ang  posibleng  free trade agreement (FTA) sa UAE ay magpapalakas din sa Philippine exports ng agricultural at industrial products sa the Middle East, gayundin sa Europe, kung saan ang UAE ang hub para sa mga produkto ng Pilipinas sa nabing mga rehiyon. Nilagdaan nina DTI Secretary Alfredo Pascual at Minister of State for Foreign Trade Dr. Thani bin Ahmed Al Zeyoudi noong Disyembre 2 ang terms of reference (TOR), o ang saklaw ng negosasyon, para sa CEPA sa Dubai sa sidelines ng 28th meeting ng Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change.

Binigyang-diin ni Gepty, na siya ring lead negotiator ng bansa para sa FTAs, na ang  CEPA ay magiging milestone para sa Pilipinas dahil ito ang magiging unang FTA ng bansa sa isang Middle East country.

Dagdag pa niya, sa paglagda sa TOR, ang formal negotiations ay magsisimula sa first quarter ng taon at inaasahang matatapos ang FTA talks sa loob ng isa hanggang dalawang taon.         

(PNA)