MAHIGIT sa 180 katao kabilang ang isang 63 anyos na lola ang nakinabang sa binyagang bayan na inilunsad ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB), na pinangunahan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Regional Director MGen Edgar Alan O Okubo na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Ang nasabing programa ay upang matulungan ang mamamayan na magkaroon ng katibayan ng kapanganakan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “mass baptism ceremony” na ginanap nitong Linggo sa St. Joseph Chapel, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kung saan 32 indibidwal na nagmula sa Barangay 128, Upper Smokey Mountain, Balut, Tondo Manila ang nabinyagan.
Gayundin, may 150 indibidwal na ang naunang nakinabang sa kahalintulad na binyagang-bayan na nagmula naman sa Barangay 125 at Barangay 138, Tondo, Manila.
Sa kabuuan ay umabot na sa 182 indibidwal ang nabinyagan sa tulong ng NCRPO R-PSB Program.
EVELYN GARCIA