NAGKAROON na rin ng paggalaw sa presyo ng itlog at bigas sa ilang palengke sa Metro Manila.
Sa E. Cabacang stall, nasa P5.50 na ang presyo ng kada piraso ng small na itlog.
Mayroon ding ibinebenta rito na P30 katumbas ng limang piraso na at P180 sa kada tray naman ng itlog.
Habang ang pinakamahal na itlog ay mabibili na sa halagang P8 kada piraso para sa large na itlog at P240 naman ang kada tray.
Isa sa dahilan ng pagmahal ng itlog ay ang tumaas na presyo ng mga produktong petrolyo, gayundin ng feeds sa manok.
Samantala, sa bigas ay ang pinakamura ay ang P35 kada kilo na regular milled rice, habang ang pinakamahal ay P60 kada kilo.
Dahil marami ang nagtitipid, karamihan ay bumibili ng P40 kada kilo.DWIZ