INIHAYAG ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nais niyang mapatawan ng parusa na ‘hindi nila makakalimutan’ ang mga taong ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pagkakaaresto ng tatlo katao, na kinabibilangan ng isang nurse, na nahuling nagbebenta ng 300 doses ng Sinovac vaccine.
“Talagang ito dapat mapatawan ng kaparusahan na hindi makakalimutan ng mapaparusahan,” ayon kay Duque, sa panayam sa radyo at telebisyon.
Kasabay nito, nanawagan din siya sa lahat na huwag namang bastusin at hiyain ang napakagandang programa ng pamahalaan na magbigay ng proteksiyon sa bawat Pinoy laban sa COVID-19.
Kinuwestiyon naman ni Duque kung paano nagagawa ng mga naturang illegal sellers ang mga naturang COVID-19 vaccines na may required na temperatura upang mapanatili ang kanilang bisa.
Una na rin namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ang COVID-19 vaccines ay hindi ipinagbibili at sa halip ay libre lamang itong ipinagkakaloob sa mga mamamayan, alinsunod sa itinakda nilang priority list.
Kabilang na sa priority list na binabakunahan sa bansa ay ang A1 category (health workers), A2 category (senior citizen), A3 category (persons with comorbidity), A4 category (essential workers) at A5 category (indigents).
Matatandaang noong Huwebes, naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlo sa apat na suspek sa illegal sale ng COVID-19 vaccines.
Kabilang dito ang isang nurse na nakatalaga umano sa operating room.
Ang mga naturang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act.
Tiniyak naman ng Manila City government na hindi sa kanilang vaccine storage facility nagmula ang naturang mga bakuna. ANA ROSARIO HERNANDEZ
519099 326694This is going to be a terrific web web site, will you be involved in performing an interview regarding how you developed it? If so e-mail me! 359525
237854 116327I used to be much more than happy to seek out this internet-site.. I dont even know how I ended up here, but I thought this post was great. A lot far more A rise in Agreeable. 95620