NAKAALERTO ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang mabunyag ang pagpasok ng malaking halaga ng foreign currency sa bansa.
Nakarating sa kaalaman ng tanggapan ng NAIA District Collector na may mga pasaherong dumarating sa paliparan na may dalang malaking halaga ng foreign currency.
Ayon sa report, nakikipag-ugnayan na ang BOC sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa intelligence law enforcement agencies at maging sa Kongreso para mabantayan ito.
Sa ilalim ng umiiral na batas sa bansa, ang foreign currency na hihigit sa USD10,000 ay pinapayagang maipasok sa bansa ngunit kinakailangan ideklara ito.
Napag-alaman na ang mga dayuhan na kadalasang nagdadala ng malaking halaga ng pera ay mga Chinese national na galing sa Hong Kong.
Ginagamit umano ng mga ito ang kanilang dalang pera na panggastos sa kanilang travel, pangsugal sa casino, at ang iba ay para sa investment sa bansa. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.