Sa Ilocos Norte(P3-M PINSALA SA AGRI NI ‘FLORITA’)

UMABOT na sa mahigit P3 milyon ang pinsala sa agrikultura ng Severe Tropical Storm Florita sa Ilocos Norte, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ng DA na sakop ng pinsala ang 628 hectares ng agricultural areas, na may production volume loss na 220 metric tons, at nakaapekto sa rice at high value crops.

May 310 magsasaka rin ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon sa DA, inaasahan din ang mga pinsala sa iba pang lugar na sinalanta ng bagyo.

Si ‘Florita’ ay lumabas sa Philippine Area of Responsibility kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Samantala, mamamahagi ang DA sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ng rice, corn, at assorted vegetable seeds; drugs at biologics para sa livestock and poultry; at fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.