NASA 70,000 trabaho sa ban- sa at sa abroad ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa idaraos na 22 job fairs sa buong bansa sa Hunyo 12.
Itataon ang job fair sa paggunita ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Filipinas.
Ayon sa Bureau of Local Employement ng DOLE, nasa 560 employer, kabilang ang 461 lokal at 99 overseas ang makikilahok sa mga job fair.
Kabilang sa mga trabahong iaalok ay ang call center agent, factory worker, production machine operator, production worker, customer service representative, sewer, sales clerk, cashier, delivery crew, service crew, at marketing officer.
Para naman sa mga gustong mag-abroad, may mga iaalok na job order mula sa mga bansang Germany, Bahrain, Japan at Saudi.
Nangunguna sa mga may bakante ang professional nurses, registered midwife cleaners, waiters o waitresses, service crew, company drivers, staff nurse, English teachers, janitress, barista, technicians (general), at nursing aides.
ANGELO BAIÑO. AIMEE ANOC
Comments are closed.