HINDI kinakailangang magkaroon ng lockdown at pagsasara ng mga border sa Pilipinas sa iniulat na pagtaas ng kaso ng Human Metapneumovirus (hMPV) sa ibang bansa, partikular sa China.
“Hindi dine-deny ng bansang ‘yon na mayroon silang pagtaas ng cases nila. Pero kapag i-compare sa kanilang bilang noong 2023, mas mababa pa rin,” pahayag ni DOH spokesperson and Assistant Secretary Albert Domingo.
Sinabi ng World Health Organization (WHO) nitong Enero 7 sa kanilang Disease Outbreak News na tumataas ang kaso ng karaniwang acute respiratory infections, kabilang ang Respiratory Syncytial Virus (RSV) at Human Metapneumovirus (hMPV).
Ayon pa kay Domingo, 2001 nang madiskubre ang HMPV ng Dutch researchers sa Netherlands kaso aya sinabi niyang hindi kailangan magsara ng borders.
“Kilala natin si HMPV, hindi natin kailangan isara ang borders natin at hindi siya kumakalat kahit nandito siya. Wala pong lockdown, tuloy po ang ating buhay. Tayo po ay mag-ingat lamang at ito ay seasonal na mga trangkaso,” aniya.
Noong nakaraang taon, nakapagtala ang DOH ng 284 kaso ng HMPV sa Pilipinas.
Sa datos ng DOH mula Enero 1 hanggang Disyembre 21, 2024, 284 sa 4,921 samples ang positibo sa hMPV.
Mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 21, 10 sa 339 samples ang positibo sa sakit.
Sa kabila nito, patuloy na hinihimok ng publiko na maging maingat sa kalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong taglamig.
JUNEX D