(Sa Intensified Cleanliness Policy) MANDAUE CITY POLICE STATION NASAMPOLAN

CEBU – LABING isang paglabag sa Intensified Cleanliness Policy ang nakita ng PNP Regional Internal Affairs Service – 7 (RIAS 7) matapos magsagawa ng sorpresang inspeksiyon sa Police Station 1 ng Mandaue City police Station sa lalawigang ito.

Sa ulat ni PNP Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, isinagawa ang surprise inspection nitong Hunyo 26 dakong alas-2 ng hapon kung saan bumungad sa mga nag-inspeksiyong tauhan ng PNP RIAS 7 kung gaano karumi ang loob at labas ng Police Station 1 ng Mandaue City Police Office.

Maraming nakasabit na mga damit sa loob ng police station at may mga nakitang walang lamang bote ng alcohol at iba pang inumin.May aso at dumi nito sa loob ng police station at hindi rin daw maayos ang segregation ng basura.

Bukod dito, out of 45 na tauhan ng station, apat lang ang naabutang nakaduty at bigo rin silang makapagsumite ng Daily PNP Personnel Accounting and Reporting.

Huli rin ang desk officer na hindi maayos ang pagkakausot ng face mask at walang suot na face shield.
Wala rin ang station commander sa police station nang isagawa ang inspeksiyon at tanging Deputy Station Commander lang pero hindi maayos na nakasuot ng uniporme at walang kaalam-alam kung ilan ang kanyang tauhan na kasamang nakaduty.

Napansin din ng mga taga RIAS 7 na marumi ang ginagamit na police car ng mga ito.
Dahil dito, binigyan ng 48 oras ang Police Station 1 ng Mandaue City Police para magpaliwanag. REA SARMIENTO

41 thoughts on “(Sa Intensified Cleanliness Policy) MANDAUE CITY POLICE STATION NASAMPOLAN”

Comments are closed.