LIGTAS na komunidad at mahusay na serbisyo mula sa Philippine National Police (PNP) ang mensahe ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kanyang mga opisyal at tauhan sa una nitong Monday Flag Raising Ceremony sa Camp Crame, Quezon City.
Hindi rin niya inatasang mag-tikas pahinga ang mga pulis na dumalo dahil una niyang sinabi na maikli lamang ang kanyang mensahe.
Sa pambungad na talumpati, ipinaalala ni Marbil na sa paggising sa umaga ng 232,000 personnel ay nakatanggap na ng dalawang regalo sa Panginoong Diyos.
Ito aniya ay ang piliin ang nais at gumawa nang tama.
“Ang Panginoon sa paggising natin ay binibigyan tayo ng dalawang regalo. Dalawang regalo, it’s a choice to do good and a chance. Choice to do good and a chance to make a diffrence,” anang PNP chief.
Kaya naman tiniyak ni Marbil sa kanyang mga tauhan na magaganap sa bagong liderato ng PNP ang malaking pagbabago o kaibahan dahil ibibigay nila ang tamang serbisyo at proteksyon sa publiko na kanilang mandato.
Paalala pa ni Marbil na sila ay sinusuwelduhan para tiyakin na ligtas ang publiko kaya hindi dapat maligaw at gawin nang tama ang serbisyo.
‘Dito po sa bagong pjnuno ng kapulisan, let us make a big difference in people’s lives, yun lang gusto ko, let us give them a best service. Binabayaran po ang pulis natin for public service, ibigay po natin ang tama. kung ano tama ito po susundin, natin let us not go stray yun lang po. Pinakaimportante natin isipin nyo ang trabaho natin, let us give our community the best public service, let us make them safe sa pagtulog nila at paglabas nila,” diin pa ni Marbil.
Pinatitiyak din ni Marbil sa kanyang mga opisyal at mga tauhan sa tutugon sila pagbabago sa bansa at makatitiyak ng kaligtasan ang buong Pilipinas.
“Ang sabi ko nga, sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!” pangwakas na pahayag sa isang minutong talumpati ni Marbil.
EUNICE CELARIO