(Sa isasagawang Rim of the Pacific exercise) PHILIPPINE NAVAL TASK GROUP IPAPADALA SA US

MAGDEDEPLOY ang Philippine Navy ng kanilang contingent sa gaganaping Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise, isang warfare exercise na pinangungunahan ng United States Navy na gagawin simula Hunyo 29 hanggang Agosto 04 sa Honolulu, Hawaii.

Ayon kay Commander Benjo Negranza, Spokesperson ng Philippine Navy , ang idedeploy nila sa RIMPAC ay ang kanilang Naval Task Group (NTG) 80.5.

Ito ay binubuo ng mga Philippine Navy personnel na sakay sa Jose Rizal-class frigate BRP Antonio Luna (FF151) at ang AgustaWestland AW109 aircraft.

Aalis ang naturang grupo sa Hunyo 8 mula sa Naval Operating Base, Subic.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na isasagawa ang malaking maritime exercise simula noong 2018.

Layunin ng pagsasanay na I promote ang regional stability sa Pacific region. REA SARMIENTO