(Sa isyung unprofessionalism:) JANNO GIBBS IDINEPENSA NG DIREKTOR

SI Maui Taylor ang unang taong nakapagbitiw kay Janno Gibbs ng mga titil­lating catchline tulad ng “Pwede mo kaming ******* nang sabay?” na isang pilyong ngiti lamang tanging reaksiyon nya. Pero linya lamang iyon sa pelikulang “69+1” kung saan bida si Janno, Maui at Rose Van Ginkel.

Aminado si Janno na noong kabataan niya at single pa siya ay totoong may kapilyuhan siya. Aminado rin siyang hindi siya ang original choice ng direktor na si Darryl Yap bilang bidang lalaki sa 69+1, pero finally, siya ang pinili ni Vic del Rosario, founder at chairman ng Viva Entertainment.

Dagdag niya, “Si­yempre, naging challenge for me ‘yon na kailangang patunayan ko sa kan­ya na tama yung desisyon ni Boss Vic.”

Nega talaga ang im­presyon kay Janno ni Darryl noon dahil marami raw siyang naririnig na unprofessional at may attitude daw ang actor. Pero napatunayan ni Janno na mali ang mga balita kaya okay na sila ni Direk Darryl.

Sa totoo lang, talaga raw na lagi siyang late sa trabaho dahil matindi ang kanyang insomnia kaya late siya nakakatulog at late din siyang nagigi­sing. Pero noon yon. Mahusay raw ang kanyang duktor kaya okay na ang sleeping habit niya.

Pinatotohanan naman ni Direk Darryl na maganda ang working experience niya kay Janno. In fact, lagi itong maaga ngayon sa set. Noong una, talaga raw ayaw niya kay Janno, pero sinabi raw ng VIVA bosses na there is something with Janno that can make magic for the film, kaya siya ang naging bida. Isa pa, kung hindi raw niya mararanasan ang makipagtrabaho kay Janno dahil lang sa pintas ng iba, katulad na rin sya ng mga bashers na namba-bash kahit hindi siya kilala.

Bukod sa hindi na nali-late si Janno, matalino raw ito at iyon ang pinaka­gustong katangian ni Direk Darryl sa kanyang mga artists. Isa pa raw katangian ni Janno ay ang pagiging prangka kaya madalas masabihang bastos at hindi marunong makisama – na tulad din daw niya. – KAYE NEBRE MARTIN

84 thoughts on “(Sa isyung unprofessionalism:) JANNO GIBBS IDINEPENSA NG DIREKTOR”

  1. I’m writing on this topic these days, majorsite, but I have stopped writing because there is no reference material. Then I accidentally found your article. I can refer to a variety of materials, so I think the work I was preparing will work! Thank you for your efforts.

Comments are closed.