KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lang mabilis na transportasyon at koneksyon ang maidudulot ng itatayong Samal Island–Davao City Connector (SIDC) Project kundi lalakas din ang ekonomiya, trabaho at edukasyon sa lungsod at isla.
Si Pangulong Marcos, kasama si Vice President Sara Duterte ang nanguna sa groundbreaking ng Samal Island – Davao City Connector Bridge kasama ng iba pang mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of the Interior and Local Government, at Regional Development Council 11.
Pinasalamatan din ng Punong Ehekutibo ang gobyerno ng People’s Republic of China na nagpondo ng proyekto sa pamamagitan ng halagang 18.6 bilyong pisong loan agreement at sa pagiging aktibo at maaasahang katuwang sa nabanggit na infrastructure program.
Sa kanyang talumpati, sinabi nitong nakapananabik ang makumpleto ang proyekto dahil sa magandang idudulot nito sa lahat lalo na sa mga mamamayan ng dalawang lugar.
“Once completed, this bridge will help us develop the economic potential of Davao City and the island garden of the City of Samal as well has enhanced its resident’s access to employment, education and other services,” ayon sa Pangulo.
“The bridge is a testament to the strong and ever-growing foundation of the bilateral relations and economic cooperation between us,’ giit ng Pangulo.
Sa sandaling maging operational ang nabanggit na tulay ay makaka-accommodate ito ng hanggang 25,000 sasakyan sa bawat araw at maibababa ang travel time mula Samal at Davao City mula 50 minuteo ay magiging 4.5 minutong biyahe na lamang sa pamamagitan ng ferry.
Itatayo ang four-lane Davao-Samal Bridge project sa loob ng halos limang taon at tinatayang gagastusan ng halos 23.04-bilyong piso na may habang 3.98 kilometers .
“Ïn 2027, this bridge will surely ease the convenience of travel ang transport. bringing forth gainful opportunities for many of our people by roviding a link between the far-flung areas and economic centers. thereby ensuring smoother mobility of people and goods,” dagdag pa ng Pangulo.
Makaraan ang groundbreaking ceremony, dumalo naman ang Pangulo sa DPWH Regional Office sa Panacan, Davao City upang maghatid ng tulong sa mga kababayan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development 11.
Sa naturang distribution program ay katuwang ng Pangulo si DSWD Secretary Erwin Tulfo at ilang local na opisyal ng Davao City.
Nagtungo rin ang Pangulong Marcos sa Eastern Mindanao Command, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, nitong lungsod upang bisitahin ang mga sundalo at saksihan ang deklarasyon na insurgency-free na ang Davao Region.
Lumahok din dito ang mga opisyal ng EASTMINCOM, Regional Development Council at Regional Peace and Order Council 11. EVELYN QUIROZ