(Sa kababaihan at kabataan) KAMPANYA LABAN SA KARAHASAN PAIGTINGIN

INATASAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang local government units (LGUs) na dapat umanong paigtingin pa ang kanilang kampanya kontra sa karahasan laban sa mga kababaihan at mga kabataan.

Ayon kay Abalos Jr., sa State of the Nation Address (SONA) ay nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga LGUs na tugunan at resolbahin ang mga isyu na may kinalaman sa violence against women and children (VAWC) sa kanilang nasasakupan.

“The protection of women and children and welfare of solo parents are issues that the President and his administration will focus on,” ayon kay Abalos.

“We are, therefore, ur­ging our LGUs to respond with fervor and intensify programs and policies addressing these concerns,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Abalos na mula Enero hanggang Hul­yo 2022, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 6,383 VAW cases at 9,677 kaso naman ng karahasan laban sa mga kabataan.

Aniya, dapat na paigtingin pa ng mga barangay at mga LGUs ang kanilang mga protective programs, counseling, at support services sa gitna nang tumataas na bilang ng mga ganitong uri ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga kabataan, sa panahon ng pandemya.

Samantala, nanawagan rin ang DILG chief sa mga LGUs na epektibong ipa­tupad ang Expanded Solo Parents Welfare Act, na nagkakaloob ng karagdagang mga benepisyo para sa mga single parents. EVELYN GARCIA/VERLIN RUIZ