PATULOY na tumataas ang bilateral figures sa total trade, exports, at imports ng Pilipinas sa Norway dulot ng free trade agreement (FTA) ng Pilipinas sa European Free Trade Association (EFTA).
Sa isang networking luncheon na hinost ng Philippines Norway Business Council (PNBC) nitong Marso 30, binigyang-diin ni Bureau of International Trade Relations (BITR) Director Angelo Salvador M. Benedictos ang tumataas na trade figures sa pagitan ng Pilipinas at ng Norway bunga ng Philippines-EFTA Free Trade Agreement na ipinatupad magnula noong June 2018.
Ang total trade sa pagitan ng Pilipinas at Norway ay lumago ng 19.53% at 120.90% noong 2020 at 2021, ayon sa pagkakasunod, sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ang Philippine exports sa Norway ay nagtala rg malaking pagtaas na 36.46% mula EUR 5.7 million noong 2020 sa EUR 7.8 million noong 2021; habang ang Philippine imports mula Norway ay lumago ng 135.68%, mula EUR 32.7 million noong 2020 sa EUR 77.08 million noong nakaraang taon.
Naniniwala ang Pilipinas na ang naturang trade figures ay patuloy na tataas dulot ng ipinatutupad na PH-EFTA FTA, kasama ang pagsusulong sa promotion at cooperation activities para suportahan ang Agreement.
Ibinida ni Director Benedictos ang top Philippine products na in-export sa Norway na ginamit ang FTA rates noong 2020, tulad ng food and beverage products ( cooked pasta, crisp savory food products, biscuit, food preparations, soups and broths, peanut butter, mineral or aerated water), prepared/preserved fruits, sugar confectionery products, at garments & apparel. Nakinabang din ang Norwegian exporters mula sa tariff reduction sa ilalim ng PH-EFTA.
Ang nasabing mga produkto ay kinabibilangan ng chemicals/fertilizers, fisheries and fishery products, plastics, at mga kaugnay na produkto.