TINIYAK ng isang pharmaceutical group ang mabilis na muling paglalagay ng supply sa mga botika na walang stock ng ilang brands ng paracetamol.
“The organization and its members are already exerting extra efforts to make sure that demand for paracetamols specifically will be met,” pahayag ni Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) vice president Jannette Jakosalem sa CNN Philippines nitong Miyerkoles.
“In fact, some of them are already looking at airlifting from different parts of the world where they will be able to source the medicines,” dagdag pa niya.
Tiniyak din ng Department of Trade and Industry (DTI) na pansamantala lamang ang sitwasyon dahil sa biglang pagtaas ng demand na sumobra sa karaniwang inventory levels sa mga botika.
“In particular, popular brands Biogesic and Decolgen (which are paracetamol and analgesics of Unilab) were temporarily out of stock as the increased demand occurred right after their delivery cut-off in December. DTI has already received reports of deliveries coming in this week,” ayon sa advisory ng ahensiya.
Siniguro rin ng isang opisyal ng PHAP na hindi tataas ang presyo ng over-the-counter painkiller sa kabila ng kakulangan sa supply.
“We will not be increasing prices on account of the current situation. It’s already been tested during the time of COVID-19. Our organization is composed of very highly ethical members,” sabi ni Jakosalem, na siya ring managing director ng Zuellig Pharma.
Pinayuhan din niya ang publiko na gumamit ng generics habang mababa pa ang supply matapos kumonsulta sa doktor para sa tamang gamot, dosage at advice.
Samantala, sinabi ng DTI na may sapat na supply sa mga botika ang ilang brands at generics.
“Rhea Generics product lines are supplied by major companies and we are also assured of continuous supply,” anang DTI.