(Sa kabila ng maritime row) CHINESE INVESTMENTS SA PH TUMAAS

TUMAAS ang project registration mula sa Chinese investors ngayong taon sa kabila ng maritime row sa pagitan ng Manila at Beijing, ayon sa Board of Investments (BOI).

Sinabi ng BOI na inaprubahan nito ang mahigit P1 billion na halaga ng mga proyekto mula sa Chinese investors mula January hanggang September 2024, na mas mataas ng 237 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang approval sa unang siyam na buwan ng taon ay mas malaki rin kumpara sa full-year project registration mula sa Chinese investors sa P619 million.

Dahil dito, sinabi ng BOI na ang China ay naging seventh-largest source ng investment approvals ngayong taon.

Upang makapagpasok ng mas maraming proyekto mula sa East Asian nation, ang BOI ay nagpadala ng delegasyon sa China noong nakaraang buwan upang i-promote ang Pilipinas bilang isang investment hub.

Ang delegasyon ay lumahok sa China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) sa Xiamen, at nakipag-usap sa potential Chinese investors.

“Throughout the six days of the Investment Promotion Roadshow, we generated significant interest from various sectors. We conveyed to the investors that our goal is to transform the Philippine economy to enter a virtuous cycle of sustained economic growth. Events like this showcase the Philippines’ proposition as the Regional hub for smart and sustainable manufacturing and services industries, that will ultimately generate green and sustainable jobs for the Filipino people, which has been our primary objective,” wika ni Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo.

Ang BOI ay humarap sa 21 kompanya sa iba’t ibang sektor, kabilang ang renewable energy (RE) equipment manufacturing, electric vehicle manufacturing, at agribusiness.

Ang delegasyon ay may dalawa ring roundtable meetings sa Xiamen at Beijing, kung saan tinalakay ng limang kompanya ang kanilanginvestment at expansion plans sa bansa, partikular sa mga sektor ng electric vehicle at consumer goods manufacturing, infrastructure, green metals, at mining activities. ULAT MULA SA PNA