(Sa kabila ng mataas na interest rates) BANK LENDING LUMAGO

BAGAMA’T nanatili ang interest rates sa 14-year highs noong Hulyo, ang bank lending ay lumago sa naturang buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng central bank na ang pautang ng mga bangko ay tumaas ng 10.4 percent noong Hulyo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“Outstanding loans for production activities rose by 8.8 percent in July from 8.3 percent in June. This growth was driven by lending to major sectors such as real estate activities (12.0 percent); professional, scientific, and technical activities (438.3 percent); manufacturing (7.9 percent); transportation and storage (20.6 percent); and wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles (6.0 percent),” anang BSP.

Ayon sa datos ng BSP, ang consumer loans to residents ay bahagyang bumagal ang paglago sa 24.3 percent noong Hulyo mula 25 percent noong Hunyo dahil sa credit card lending.