(Sa kabila ng mga pag-ulan) LEBEL NG TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY NABABAWASAN

PATULOY na nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam sa kabila ng mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA Hydromet Division nitong Lunes ng umaga, nabawasan pa ng 6 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat dam kaya nasa lebel na ito na 175.88 meters.

Mula ito sa 175.94 meters na naitala noong nakaraang araw, aabot halos limang metrong kakulangan nito para umabot sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod naman sa Angat dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Caliraya dam ngayong umaga, habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon.

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng sa Hulyo pa dumating ang mga malalakas na pag-ulan na magpapataas sa lebel ng tubig ng Angat dam. P ANTOLIN