MANANATILING tariff-free o libre sa buwis ang mga produkto ng Filipinas na ini-export sa United Kingdom sa ilalim ng European Union’s generalized scheme of preference plus (GSP+).
Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kabila ng tuluyang pagkalas ng UK sa European Union simula noong ika-31 ng Enero ng nakaraang taon.
Ayon sa DTI, kabilang pa rin ang Filipinas sa UK GSP’s enhance framework na may katulad na market access at benipisyo ng EU GSP plus scheme.
Sinabi ni Trade Undersecretary Abdulgani Macatoma na nagpapasalamat sila sa pagkakasama ng Filipinas sa UK GSP at inaasahang magbabalik ang kalakalan sa ilalim ng naturang sistema.
Dagdag ni Macatoma, isa ang United Kingdom sa kinokonsiderang pinakamalaking trading partner ng Filipinas.
“The Philippines considers the United Kingdom as one of its major trading partners,” aniya.
Ayon sa DTI, kailangang sagutan ng mga exporter ang GSP Form A at magsumite ng Certificate of Origin para mag-qualify sa UK GSP benefits.
Ang United Kingdom ay ika-17 sa top trading partners ng Filipinas at ika-18th sa export markets nito noong nakaraang taon.
Ang exports ng Manila sa London ay umabot sa $404 million noong 2020, bumaba ng 20% mula sa taon bago pumutok ang coronavirus pandemic na nagparalisa sa trade chains sa buong mundo.
Ang semiconductors at integrated circuits ang pangunahing Philippine export products sa UK, kasama ang pulp mula sa waste paper at tuna.
Comments are closed.