WALANG plano ang Pilipinas na muling magpatupad ng mahigpit na travel measures sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Nang tanungin sa Palace briefing kung may balak ang kanyang ahensiya na magpatupad ng mas mahigpit na restrictions, sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na tapos na ang COVID-19 pandemic, tulad ng idineklara ng World Health Organization (WHO).
While we continue to support the Department of Health’s measures as far as ensuring the health and safety of Filipinos, the direction of the Philippines is forward and that is to ensure that we continue to open up the country to travel and tourism,” paliwanag ni Frasco.
Noong Lunes ay sinabi ng OCTA Research na tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Metro Manila at ilang lalawigan sa nakalipas na linggo, kung saan nagposte ang Camarines Sur, Quezon, at Rizal ng mahigit sa 40% positivity rate.
Nakapagtala rin ang Department of Health ng 12,414 bagong kaso ng COVID-19 noong May 8-14.
“Of course, all the minimum health standards are in place,” ani Frasco patungkol sa DOT-accredited establishments.