(Sa kabila ng panaka-nakang pag-ulan) LEGAZPI CITY DUMARANAS PA RIN NG TAGTUYOT

tagtuyot

ANG patuloy na epekto ng El Niño sa Legaspi City ay nagresulta na ng mataas na bilang ng bitak-bitak na lupaing pang-agrikultura, ayon sa opisyal ng City Agricultural Office (CAO) kamakailan.

Sinabi ni city agriculturist Jess Kallos na mula sa 325-ektarya ng agricultural land na apektado ng patuloy na tagtuyot noong nakaraang buwan, bigla itong umabot sa 437 ektarya nitong buwan.

“Almost all crops were already damaged by the drought and even the numbers of affected farmers also increased”, sabi niya sa isang panayam.

Base sa monitoring ng CAO, umakyat na ang bilang ng apektadong magsasaka sa 870 mula sa nakaraang buwan na 650, dag-dag ni Kallos.

Sinabi niya na ang lugi sa produktong agrikultura, karamihan ay palay, gulay, mais ay umabot na sa PHP25.3 million.

Para sa palayan, ang laki ng napinsalang lugar ay umabot na sa 276.93 ektarya, na may apektadong 535 magsasaka na at ang pinsala ay nailagay sa PHP19.12 million, dagdag niya.

Para sa tanim na mais, natuyo ng El Niño ang 13.03 ektarya na may pitong magsasaka na apektado at lugi ng PHP2.5 million.

Para sa mga tanim na gulay, 35.45 ektarya ang napinsala na may 108 magsasaka na apektado at may pinsala na PHP3.6 million, dagdag niya.

Sinabi ni Kallos na nagbigay si Mayor Noel Rosal ng mahigit na 2,000 kilo ng bigas at matagal nang naipamahagi ng City Agriculture at Fishery Council (CAFC) sa 802 biktima ng tagtuyot, na bawat isa ay tumanggap ng 3.5 kilos.

Sinabi niya na ang opisina ng City Disaster Risk Reduction Management Council ay namigay na rin ng tatlong traktora kasama ang dalawang threshers at tatlong  rice planters na magagamit ng mga magsasaka sa panahon ng pagtatanim. PNA

Comments are closed.