NAPANATILI ng Philippine exports ang paglago nito sa 11 magkakasunod na buwan noong January 2022 sa kabila ng pandemya.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang export revenues ng bansa ay tumaas ng 8.9 percent sa USD6.04 billion mula sa USD5.5 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na isa itong “encouraging development” dahil senyales ito ng pagbangon ng global market.
Ang electronic products ay nanatiling top dollar earner ng bansa na may total receipts na USD3.5 billion, na nakapag-ambag ng 58 percent sa total exports noong January.
Para sa mga produktong pang-agrikultura, ang coconut oil exports ang nakapagtala ng pinakamalaking paglago noong January sa 110.1 percent sa USD178.8 million.
Ang top export markets para sa Philippine merchandise sa naturang buwan ay ang United States, China, Japan, Hong Kong, at Singapore PNA