(Sa kabila ng pandemya) REMITTANCES NAKABAWI

BSP

NAKABAWI ang remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) ngayong taon kahit may pandemya, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Sa datos ng BSP, ang remittances sa unang apat na buwan ng 2021 ay pumalo sa 11 billion dollars o 5.1% na mas mataas kumpara sa 10.49 billion dollars sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nanatili ring  matatag ang global remittances sa kabila ng lockdowns, partikular sa Gitnang Silangan, Estados Unidos, Europa at iba pang mga bansa.

Bumaba lamang ng 2.4% ang OFW remittances noong isang taon kung saan mula 719 billion dollars noong 2019 ay naging 702 billion dollars ito.

Sa pagtaya ng BSP, posible ang 4% growth sa remittances mula sa OFWs ngayong taon. DWIZ 882

7 thoughts on “(Sa kabila ng pandemya) REMITTANCES NAKABAWI”

  1. 180069 995172Hello! I merely would wish to offer a huge thumbs up for that wonderful info youve here during this post. I will probably be returning to your site to get more soon. 850571

Comments are closed.