(Sa KAMANDAG 3 exercises) MARINES MAGPAPAKITANG GILAS

Philippine Marine Corps

MAGPAPAKITANG gilas at makikipagsabayan ang  Philippine Marine Corps sa kanilang US counterparts sa gaganaping KAMANDAG 3  exercises ngayong linggo.

Inihayag ng US embassy sa Maynila ang pagdaraos ng US at Philippine militaries ng ikatlong KAMANDAG exercises na magsisi­mula sa Oktubre 9 hanggang 18, 2019.

Ang KAMANDAG ay may kahulugang “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat” na taunang ginagawa ng dalawang magkaalyadong hukbong dagat.

Ayon sa US embassy, layon ng pagsasanay na maitaguyod ang “multinational military interoperability, readiness, and capabilities”.

Isasagawa ang exercises sa iba’t ibang training sites sa Luzon at Palawan.

Gagawin ng US at Philippine Marine  sa KAMANDAG ang amphibious operations, live-fire training, urban operations, aviation operations, counterterrorism response operations, at humanitarian assistance at disaster relief missions.

Ayon kay Philippine Marine  spokesman Col Felix Serafio, sa kauna unahang pagkakataon, sasabak ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng “assault amphibious vehicle training” at “low-altitude air defense training and threat reaction training”.

Inilunsad ito ng Fi­lipinas para ipakita ang ugnayan ng militar ng US at Filipinas at mapalakas ang abilidad sa pagresponde sa mga krisis at natural disaster sa Indo-Pacific region. VERLIN RUIZ

Comments are closed.