GINAWARAN si Quezon City Police District (QCPD) Director BGEN Remus Medina ng Congressional Award para sa Outstanding Achievement kaugnay sa pinaigting nilang kampanya laban sa ilegal na droga.
Mismong si Hon. Jorge Bustos, Vice Chairperson ng Committee on Public Order and Safety ang nagkaloob ng parangal kay Medina sa House of Representatives, Brgy. Batasan, Quezon City kamakalawa.
Sa kanyang mensahe, labis naman ang pasalamat ng heneral sa natanggap na parangal.
“With all the encouragement, support, and confidence the PNP leadership bestowed upon me as the former Director of the PNP Drug Enforcement Group, I am humbled and very honoured to accept the award you confer upon me this afternoon,” ayon kay Medina.
“Ang parangal na ito ay naging possible dahil sa mga taong naging parte ng tagumpay na ito. Kung kaya’t lubos akong nagpapasalamat sa aking mga boss at senior officers na nagtiwala at humubog sa aking kakayahan, determinasyon at integridad upang sugpuin ang paglaganap ng pinagbabawal na droga sa ating komunidad. At sa aking mga kasamahan sa PNP-DEG, simula sa ating mga operatiba at kani-kanilang mga commanders sa patuloy na pagtugon sa aking mga direktiba noong kami ay magkakasama upang sugpuin ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa,” aniya pa.
Pinasalamatan din niya ang kanyang mga kaibigan sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan at ang lahat ng mga tumulong na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.
“The efforts and workforce of my unit made me to become worthy and suitable for this award,” aniya pa.
Samantala, ginawaran din ng kahalintulad na parangal si Lt Col Glenn Gonzales, Station Commander ng Fairview Police Station (PS 5) at dating hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU).
EVELYN GARCIA