(Sa kanilang kaligtasan) OFWs SA BAHRAIN NANGANGAMBA NA RIN

BAHRAIN

LA UNION – RAMDAM na rin ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Bahrain ang namuong tensiyon sa pagitan ng Iran at Amerika.

Batay sa pahayag ng isang OFW mula sa La Union, nanatiling kalmado at normal ang buhay sa nasabing bansa, bagaman hindi nila maiwasan ang maka­ramdam ng bahagyang kaba at pangamba dahil sa retaliatory attacks ng dalawang bansa.

Nakarinig umano sila ng malakas na pagsabog noong isang araw, nang magpakawala ng missile attack ang Iran sa dalawang US bases sa Baghdad, Iraq.

Gayunpaman, siniguro ni Cachero sa mga kamag-anak nito sa bansa, na ligtas ito kasama ang kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Bahrain.

Wala siyang balak na sumama sa repatriation ng pamahalaan ng Filipinas at nanghihinayang na iwan ang trabaho dahil maganda ang pakikitungo sa kanila ng employer ng mga ito.

Ang Bahrain ay isa sa mga bansang kalapit ng Iran at Persian gulf na nasa pagitan ng mga ito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.