(Sa kanyang unang 100 days) ECONOMIC MANAGERS PINASALAMATAN NI PBBM

PINASALAMATAN  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang mga gabinete maging ang economic managers sa pagtulong sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Marcos, malaki ang naging papel ng mga opisyal sa pagbibigay ng magagandang ideya para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Magtatapos na ang unang 100 araw ni PBBM ngayong Oktubre 8.

Samantala, inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na “best accomplishment” sa unang 100 araw ni Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio ang pagbalik ng face to face classes sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Vice President Duterte, kanila nang isinasapinal ng OVP ang lalamanin ng kaniyang ulat para sa ika-100 araw niya bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Sinabi ni VP Duterte, na isang malaking tagumpay ang pagbabalik sa normal ng klase ng mga estudyante.