(Sa kasagsagan ng hurricane) MGA PINOY SA TEXAS BIKTIMA NG LOOTERS

texas

USA-SA kasagsagan ng Hurricane Hannah, ilang overseas Pinoy ang doble ang nararanasang hirap.

Una ay ang pagbaha sa mga siyudad sa Texas na dulot ng bagyo kung saan hirap sa pag-pump ng tubig ang Army at Navy na dineploy ng mayor at governor ng nasabing estado.

Maging ang hospital sa North Mexico ay binaha rin kaya nahirapan naman sa pag-evacuate ang hospital staff ng kanilang mga pasyente.

Pangalawang paghihirap ng mga Pinoy na naroon ay ang mga looter na sumisisid sa nakalubog na kabahayan sa gabi upang magnakaw.

Kinakatakutan din nila ngayon ang susunod pang bagyo dahil mas malaking problema kapag umapaw na ang Rio Grande River na humahati sa Mexico at Texas. EUNICE C.

3 thoughts on “(Sa kasagsagan ng hurricane) MGA PINOY SA TEXAS BIKTIMA NG LOOTERS”

  1. 387327 238016Merely wanna input on few common issues, The web site style is perfect, the topic material is rattling superb : D. 936566

Comments are closed.