(Sa kasong kidnapping) 2 CHINESE HINATULAN NG HABAMBUHAY

DALAWANG Chinese national na napatunayang guilty sa kasong kidnap-for-ransom ang hinatulang mabilango ng habambuhay ng Regional Trial Court ng Paranague City kamakailan.

Base sa ulat, ang mga akusadong sina Zhihua Liu at Yuqiong Zhu ay nasakote ng mga operatiba ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) sa Nuwa Hotel, City of Dreams, Paranaque City noong Disyembre 13, 2020.

Sina Zhihua at Yuqiong ay sumasailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice sa kasong paglabag sa Article 267 ng revised Penal Code (Kidnapping for Ransom).

Napatunayan ng pro­secution na ang lahat ng ebidensiyang iprinisinta ng NBI sa kasong Kidnapping for Ransom ay tumutukoy sa dalawa Chinese nang dukutin ang biktimang si Xibing bago ito ikinulong sa room ng Nuwa Hotel para mapilitang magbigay ng ransom na RMB 136,000.00 na may equivalent na P1 milyon.

Napag-alamang ini­reklamo ang mga akusado matapos mabatid ng kaibigan ng biktima na kinidnap saka humihingi ng ransom bago palayain.

Noong December 2, 2022, hinatulan ng RTC Branch 29 sa Paranaque City ang dalawang akusado ng ‘guilty beyond reasonable doubt’ sa kasong Kidnapping for Ransom ng life imprisonment (reclusion perpetua) without eligibility for parole. MHAR BASCO