(Sa kautusan ni Pangulong Duterte) AYUDA SA EMERGENCY VEHICLES TUGON NG MMDA

emergency Vehicle

MAKATI CITY – AGAD  na tumalima ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ipinalabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ang mga emergency vehicles partikular ang mga ambulansya ng assistance o escorts upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko sa kalsada.

Ito ang napag-alaman kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na nagsabing kapag nangailangan ng escort ang isang emergency vehicle ay magsabi lamang sa motorcycle riding traffic enfor­cers upang maasistehan o maalalayan sila sa daloy ng trapiko sa mga lansagan.

Ayon kay Pialago bibigyan lamang nila ng escort o assistance ang mga emergency vehicles tulad ng ambulansya na may sakay na mga pasyente at ‘yung iba na wala namang pas­yenteng sakay at pabalik na ng kanilang barracks ay hindi na kailangang pang-alalayan.

Dagdag pa ni Pialago, kung sakali mang hindi agad makapag-abiso ang mga emergency vehicles upang humingi ng assistance sa mga traffic constables ng MMDA ay magkukusa namang asistehan sila kung sakaling madaanan nila sa lansangan ang mga ito. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.