HINDI kakulangan ng pera ang dahilan, pero tila kakulangan sa diskarte.
Ito ang tinuran ni Deputy Speaker at Batangas 6thDist. Rep. Ralph Recto bilang reaksiyon sa pahiwatig ng Land Transportation Office (LTO) na malapit na itong maubusan ng suplay ng plastic cards para sa iniisyung driver’s license.
“Not all procurement debacles stem from lack of money. Some are caused by inefficiency, by agencies rich in resources but poor in foresight,” sabi pa ni Recto.
Aniya, sa sinasabi ng LTO na kailangan nitong bumili ng panibagong 5.2 million na piraso ng driver’s license cards, ito ay popondohan ng P249 million.
Base sa naitalang revenue collections ng ahensiya noong nakaraang taon, sinabi ng Batangas solon na lumabas na ito ay umabot sa kabuuang P26.68 billion o katumbas ng P73 million kada araw.
Kaya naman, sa loob lamang ng tatlong araw at kalahati, ang LTO, ani Recto, ay makalilikom na ng P249 million para sa budget nito sa pagbili ng plastic cards.
Iniulat din ng LTO na nakapag-isyu ito ng 5.332 million new at renewed driver’s licenses at 1.640 million na student permits noong nakaraang taon kaya pagbibigay-diin ni Recto, dapat ay nakapaghanda na ito sa kakailanganin nilang suplay ng plastic cards ngayong taon.
“Unlike typhoon damages whose rehabilitation costs cannot be predicted in advance, the volume of driver’s license cards needed annually is more or less set, and so is the budget to be allocated,” giit pa ng kongresista.
“If procurement red tape is the usual suspect for the delay, then fix it and learn the lesson so it won’t happen again,” paalala ni Recto sa LTO.
ROMER R. BUTUYAN