(Sa kilos-protesta ng mga natalong kandidato) MAXIMUM TOLERANCE IPATUTUPAD NG PNP

HINDI pipigilan ng Philippine National Police ang kilos-protesta ng mga taga suporta ng mga natalong kandidato sa eleksyon.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Officer In Charge Lt. Gen Vicente Danao na karapatan ng mga tao na magpahayag ng kanilang damdamin at hindi nila ito pipigilan.

Kaya naman, ipinag utos nit sa mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance para hindi magkagulo.

Aniya, bahagi nito ang paggalang sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Samantala, umapela naman si Danao sa mga magkikilos protesta na huwag magdulot ng aba­la sa trapiko at huwag manira ng public property.

Iginiit nito na puwede naman umanong magdaos ng mga aktibidad sa mga freedom park.

Pagigiit pa nito, handa ang PNP sa post election violence at may contingency plan na sila para rito.
REA SARMIENTO