TINIYAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na gagamitin nila ang lahat ng legal na remedyo upang matulungan at madepensahan ang kanilang mga tauhan na pinasasampahan ng kasong kriminal ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) matapos na masangkot sa umano’y misencounter sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) noong nakaraang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng PDEA Spokesperson Derrick Arnold Carreon na naninindigan ang ahensiya sa aksiyon ng kanilang Drug Enforcement Officers (DEO) noong Pebrero 24, 2021 nang ang dalawang hiwalay na anti-drug operations ng PDEA at QCPD ay nagtapos sa misencounter sa harapan ng isang fast-food chain, na ikinasawi ng dalawang PDEA agents at dalawang pulis.
“In light of this resolution and after the conduct of its own internal investigation, the PDEA unequivocally stands behind the actions of its DEOs, that the actions of the PDEA agents in that fateful afternoon embody the agency’s brand of professionalism and excellence,” ayon kay Carreon.
Aniya, nirerespeto ng PDEA ang awtoridad at competence ng NPS sa pagsasagawa ng preliminary investigation ngunit sinabing, “the PDEA finds that much is to be desired upon learning of the National Prosecution Service’s Resolution.”
“The agency remains steadfast that facts, indisputable circumstances, electronic evidence in the form of CCTV footages, jurisprudence and other pieces of evidence sufficiently show the culpability and accountability of the police commissioned and non-commissioned officers involved in the incident,’’ dagdag pa nito.
Bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga opisyal at personnel ng PDEA na labanan ang ilegal na droga sa bansa, tiniyak niya na lahat ng available na legal remedies ay gagamitin nila laban sa resolusyon ng NPS.
Una rito, pinakakasuhan na ng DOJ prosecution panel ang mga PDEA officers na sina Khee Maricar Rodas, Jeffrey Baguidudol at Jelou Santiniaman dahil sa pagkamatay ni Corporal Eric Garado ng QCPD.
Bukod sa kanila, inirekomenda rin ang paghahain ng direct assault charges laban sa mga police officers na sina Maj. Sandie Caparroso, Lt. Honey Besas, PSMS. Melvin Merida at Cpl. Paul Christian Gandez dahil sa panggugulpi sa apat na backup PDEA agents. EVELYN GARCIA